fessap
By

FESSAP pinuri ni Duterte

Sharing is caring!

Malaki ang papel ng palakasan upang lalo pang patibayin ang loob at magandang samahan ng bawat isa, na siyang kailangan sa ikauunlad ng bansa.

Ito ang ipinadalang mensahe ni Presidente Rodrigo Duterte sa pagbubukas ng 17th World University Golf Championships sa Pradera Verde Golf at Country Club Martes ng gabi.

“I laud the FESSAP for organizing the 17th WUGC, which aims to bring together talented athletes from around the world to demonstrate and hone their skills in golf,” ayon sa pahayag ni Duterte sa officials at players mula 13 bansa sa four-day event na itinaguyod ng FESSAP (Federation of School Sports Association of the Philippines).

“I am certain that this gathering will foster competitiveness among our young golfers as it promotes competence, solidarity and patriotism. Let our players nurture relationships with their peers and opponents so that they may embody the values of inclusion, discipline and perseverance.”

Si Commissioner Ramon Fernandez ng Philippine Sports Commission (PSC) ang naging kinatawan ni President Duterte sa nasabing opening ceremony.

Kasama ni Fernandez sina Pampanga Gov. Lilia Pineda, Lubao Mayor Mylyn Pineda-Cayabyab, FESSAP honorary president David Ong, FESSAP president Baldomero Estenzo, philanthropist Bong Pineda, delegation head Sngel Ngu at Pradera Verde manager Mike Singgaran.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?