42
FESSAP kakatok ng pondo sa PSC
By ,

FESSAP kakatok ng pondo sa PSC

Patuloy na kakatok ang Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP) sa Philippine Sports Commission (PSC) at iba pang ahensya ng gobyerno para tulungan ang mga student-athlete na sasabak sa 30th World Universiade sa Napoli, Italy.

“FESSAP will continue to knock on the PSC door for support. Kung para sa atleta, naniniwala ako na hindi sila magkakait ng tulong,” wika ni FESSAP executive vice president Robert Calo sa 12th Usapang Sports ng Tabloid Organization in Philippines Sports (TOPS) nitong Huwebes.

Nadismaya si Calo sa mga dating opisyal ng PSC at Philippine Olympic Committee (POC) dahil sa kabiguan nitong bigyang pagkilala si GM Wesley So, na nakapag-uwi ng gintong medalya sa 2013 Kazan Universiade.

“GM Wesley (So) made all of us proud with his 2013 Kazan Universiade gold – a first for the country. We have two other silver and bronze medallists who were also not recognized. Sana hindi na maulit,” litanya nito.

Determinado ang FESSAP na makapagpapadala ng Philippine delegation sa parehong Winter at Summer Universiades at ngayong buwan ay ipapadala nito ang figure skater na si Mishan Fabian sa 29th Winter Universiade sa Krasnoyarsk, Siberia sa Marso 2-10.

Ang Summer Universaide, itinururing na Olympics ng student-athletes, ay nakatakdang umariba sa darating na Hulyo 3 hanggang 14 na kalalahukan ng 185 na bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?