28

Oct 15, 2021 @ 23:49
By

Ferrer humihirit ng bagong gadget

Kitang-kita ang pagmamahal ni Philippine Basketball Association star Kevin Ferrer sa kanyang future misis na si MM.

Ibinida ng NorthPort player ang maraming larawan ng kanyang fiancee sa social media Biyernes.

“Flex ko lang pala ang favorite model fiancee ko don’t worry hindi ako mapapagod mag-picture sa iyo kahit ilang takes pa yan. I love you @mmbelarmino peace,” anang Batang Pier forward.

Sumagot naman si MM na may halong pang-aasar, “Ah ganon ba? Sige mga 547 takes tayo next time. Bwiset! Hahahahaha.”

May pahabol pa ang 28-anyos at may taas na 6-5 na basketbolista.

“PS : Puno na po ang icloud ko please bilihan mo ako. At kulang pa po ‘yan marami pa.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?