By

Fernandez sa PKF: P3.2M isoli n’yo!

Sharing is caring!

Ipinababalik ng Philippine Sports Commission (PSC) Executive Board ang ipinahiram nitong kabuuang P3.2 milyon na dapat sanang tulong pinansiyal sa pagsasanay ng pambansang atleta PERO ginamit sa ibang paraan ng Philippine Karatedo Federation–NSA, Incorporated.

Inihayag ni PSC Officer-In-Charge Ramon Fernandez na napagdesisyunan ng board na ipabalik sa PKF-NSA, Inc. ang ibinigay na pondo ng ahensiya na para sa pagsasanay ng 12 karatekas sa Germany subalit ibinunyag ng 7 nitong miyembro na hindi napunta sa dapat na pagkagastusan ng asosasyon.

Nakipagtulungan na rin si Fernandez sa pormal na pagsampa ng kasong falsification of public documents sa National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga opisyales ng PKF-NSA matapos na ipasa ang mga dokumento na nakalap ng binuo nitong Task Force Anti-Corruption on Sports.

Ibinulgar ng 7 karatekas na kasama sa dapat sanang pagsasanay at paglahok sa ilang torneo sa Germany ang hindi pagbibigay dito ng nararapat na allowances gayundin ang ‘di paglahok sa mga torneo habang nagtungo at namasyal sa iba’t ibang lugar tulad ng Bulgaria, Belgium at The Netherlands.

Nauna nang pinatawan ng ban ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez ang PKF-NSA dahil sa panggigipit sa mga atleta at hindi dapat na paggamit ng ibinigay nitong pondo base sa inilagay nito na dapat na paggastusan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?