12

Jan 13, 2021 @ 17:19
By

Fernandez may isisiwalat sa TOPS Usapang Sports on Air

Bibida para sa “Usapang Sports on Air” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) via Zoom si newly-appointed Southeast Asian Games Chef de Mission at Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Ramon Fernandez Huwebes.

Inaasahang tatalakayin ni Fernandez ang ilang updates patungkol sa 31st SEA Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam ganun na rin ang paghahanda ng mga national team.

Bukod pa kay Fernandez, eeksena rin sa 10 a.m. session sina Jeremy Go at Ronnel Hualda ng Go for Gold at Winston Arpon ng Philippine Tournament Bridge Association.

Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng officers, members at kasamahan sa sports community na makiisa sa weekly session handog ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Games and Amusements Board (GAB). (JAToralba)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?