126

Dec 13, 2018 @ 12:33
By

Fentanyl deadliest drug sa Amerika

Sa datos na inilabas ng US government agency base sa nakalap noong 2016, ang fentanyl na ang pinakanakamamatay na droga sa Amerika.

“29 percent of all drug overdose deaths mentioned involvement of fentanyl,” saad sa report ng National Center for Health Statistics, parte ng US Centers for Disease Control and Prevention.

Ang fentanyl, na kung matatandaan ay inaming ginagamit ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang pain reliever, ay mas mabisa umano sa utak ng 50 hanggang 100 kumpara sa morphine at heroin at mas madali ring ma-overdose dito.

Patuloy din umano ang pagtaas ng bilang ng mga namamatay dahil sa fentanyl mula 0.6 per 100,000 noong 2013 patunggong 1.3 noong 2014, 2.6 noong 2015, at 5.9 noong 2016.

Naungusan ng fentanyl ang heroin, na dating itinuturing na deadliest drug sa Amerika noong 2012 hanggang 2015.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?