6,047

Jan 5, 2021 @ 11:57
By

Feng shui tips ni Master Hanz: Best sex position ngayong 2021

Ano nga ba ang pinaka na, the best pang posisyon sa kama tuwing makikipagtalik ngayong 2021, na posibleng magdulot pa ng magandang daloy ng pera ngayong taon.

Sa programang ‘Talik Talk’ sa Abante Radyo Tabloidista, nagbigay ng tips si feng shui expert Master Hanz Cua para manatiling nagbabaga ang sex life nina mister at misis, pati na rin ang mga matagal nang tigang sa romansa.

Unang tip ni Master Hanz, nasa ‘east sector’ ang love sector ng mga mag-asawa ngayong taon, kaya dapat doon ibaling ang posisyon sa pakikipagtalik.

“Dapat ang ulo ni misis ay nasa east direction… tapos ‘yung dalawang talampakan niya dapat nasa east direction din para ma-enchance ang romance at love,” ayon kay Master Hanz.

Dagdag pa nito, kung nanlalamig na ay kailangan ding sumubok ng mga kakaibang posisyon para muling mag-init ang katawan ng mga mag-asawa.

Para naman sa pinaka-petmalung sex position ngayong taon, sinabi ni Master Hanz na nangunguna ang doggie position para sa mga mag-partner.

“Ang doggie position ay magdadala po para hindi uminit ang ulo ni misis… dapat po madiligan ang flower, dapat po doggie position para maiwasan nila ang anger at misunderstanding ni mister at ni misis,” saad ng feng shui expert.

Aniya pa, dapat na ipipihit ng kaunti ni misis ang kanyang ulo sa west direction habang nasa doggie position dahil base sa metal ox sign ngayong 2021, nandoon ang ‘wealth and prosperity’.

Pinaliwanag din ni Master Hanz na iwasan ang paglalagay ng sexy picture sa bahay kahit pa larawan ni misis, pati na ang mga sexy calendar. Ito’y para maiwasan na maghanap ng iba si mister.

Sa mga ginang naman na virgin pa, “Magtirik ng kandila, apat na pirasong kandila na kulay pink [tuwing] Friday, alas-8 ng gabi.”

Ito’y gagawin sa east sector ng kwarto.

Para naman sa mga lalaki na hanggang ngayon ay walang karanasan sa sex, tip ni Master Hanz na magsuot ng pink na underwear, mas maganda kung elephant yung design.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?