125

Aug 2, 2018 @ 11:21
By

Female dorm umusok , mga inmate nag-panic

Inilabas sa kulungan ang 100 na babaeng preso matapos mag-overheat ang isang electric fan sa loob ng female dormitory sa Pasay City Jail kahapon.

Ayon kay Pasay City Jail Female Warden Chief Inspector Ma. Joyce Luyao, alas-dos ng hapon nang biglang umusok ang nakabukas na electric fan kasunod ng makapal na usok.

Dahil dito nag-panic ang lahat ng jail personnel ng nasabing piitan at inilabas ang lahat ng nakakulong na babaeng preso.

Nagsigawan at nag-iyakan ang mga preso dahil sa takot.

Ilan sa mga ito ay halos hindi makahinga dahil sa pagkakalanghap ng usok.

Upang hindi makatakas ang mga nasabing preso habang inaapula ang usok ay dinala sila sa loob ng Pasay City Youth Homes na katabi ng female dormitory.

Makalipas naman ang ilang oras ay napawi ang makapal na usok sa loob ng nasabing piitan at ibinalik agad ang mga nasabing preso sa kulungan. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?