777
eleila

Feelingerang Adarna pinahiya sa ramen paparazzi scandal

Sharing is caring!

Naging usap-usapan sa social media ang larawan ng isang kostumer na ipinoste ni Ellen Adarna na kuha sa isang ramen restaurant sa Makati.

Inakusahan ni Adarna ang twitizen na may pangalang “Eleila” ng pasimpleng pangunguha umano sa kanya ng larawan at video.

“When you PAP us We PAP you. Its a tie #PAParazziMoves,” sabi ni Adarna sa caption ng larawan ng nasabing customer.

Hindi pa nakuntento si Adarna at nag-post pa ng clips na may caption:

“Oo yan ha . . . You know the feeling . . . Uncomfy noh? When you PAP us, we PAP you too! Nasa resto eh. It’s a tie.”

Depensa ng customer na si “Eleila”, hindi naman niya alam na nandoon si Adarna at sinabing gusto lang niyang idokumento ang pagkain nila ng kanyang kasama.

“So we were casually eating ramen and this happens…We didnt notice her or even knew it was her 😕 I just wanted to story our food,” tweet ni “Eleila”.

Ibinahagi rin ni “Eleila” ang video na kuha niya nang mapansin siya ni Ellen na nagbi-video.

Makikita sa video ang ramen, ang pagkain ng kasama nitong lalaki, ang loob ng resto at iba pang kostumer nito kabilang na si Ellen, na hindi mo naman masyadong matatanaw dahil mabilis lang ang pagkakakuha ng video.

Dahil sa pagpatol sa inosenteng twitizen, tinawag tuloy si Adarna na “cyberbullying a minor”.

Narito ang ilan sa reaksiyon ng twitizen sa ginawa ni Adarna:

(@fritzdrodriguez): The Ellen Adarna thing (can’t believe i’m even tweeting about her) The minor she is bullying online is the daughter of a colleague. (We work in a child rights organization) I’ll just point out that Ellen is cyberbullying a minor. And anyone defending her actions is absurd.

(@pochoi8): I can’t believe Ellen Adarna posted a 12-IG story thread to “explain” and had the gall to brag that she knows the owner of Mendokoro….. But what I can’t believe more is that I watched the entire thread…. Ellen…. Stop na teh…. Taga MC yan, walang paki yan sayo.

(@jomatohead): Ellen Adarna is the very example of a conceited artist who thinks the world revolves around her. Di ka po relevant sa panahon namin. Get off your high horse.

(@renceqv): Ellen Adarna is a bully. Plain and simple. If she did what she did to my child Imd sue her for tens of millions of pesos. Kahit intentional yun, my child is a minor who recorded a video of a- lol “public figure” in a public space. My kid, a minor, is a private individual.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?