198

Sep 28, 2020 @ 15:38
By

Feeling dalaga raw, Ellen Adarna napikon sa basher

Hindi nakapagtimpi at sinagot ni Ellen Adarna ang isang basher.

Naligo sa ilog sa kabundukan si Ellen.

Binahagi niya iyon sa kanyang Instagram post at nilagyan ng caption na “Me x10.”

Isang netizen ang nag-comment doon na feeling dalaga raw si Ellen at panay ang lakwatsa.

“Dalaga ghorl? Ka laagan ba?” [Dalaga ghorl? Ang lakwatsera naman.] sambit ng basher.

Halatang nainis si Ellen at sinabing dalaga man o hindi, lahat ng tao ay deserve ng break.

“First, this is my life and 2nd ma dalaga or not, people need a break. Ayaw kaayo ipa claro imong ka ignorante ghorl na murag boy… ngil-ad.”

[Huwag mong ipakita ang inyong pagiging ignorante ghorl na parang boy… pangit.] anang Cebuana actress.

View this post on Instagram

Me x10 🤪

A post shared by EA (@maria.elena.adarna) on

Si Ellen ay may anak na kay actor John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: