79

Sep 4, 2019 @ 21:58
By

Feeding vs Malnutrisyon ikinasa sa Payatas

Inihayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na ipagpapatuloy niyang labanan ang malnutrisyon sa pamamagitan ng feeding program sa kanyang hurisdiksiyon.

Muling nilagdaan ni Mayor Belmonte nitong Martes ng umaga, Setyembre 3, ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Jollibee Group Foundation (JGF) at MEALenium Project para sa ‘fourth staging’ ng Busog, Lusog, Talino (BLT) Kitchen sa Lupang Pangako Elementary School sa Payatas ng nasabing lungsod.

“We are very happy to continue this feeding program alongside our reliable partners that have supported this important endeavor from the very beginning. Sa programang ito, matututukan nang husto ang kalusugan ng ating mga mag-aaral sa tulong ng masustansiyang mga pagkain na ihahanda sa ating BLT Kitchen,” sabi ng alkalde.

Ang nasabing progra ay nagsimula sa 958 estudyante bilang benepisyaryo at 943 schoolchildren sa mga sumunod na school year.

Ayon kay Belmonte, layunin ng kanilang programa na suportahan ang school-based feeding program ng Department of Education, at makapagbigay ng pamantayan ng malinis at ligtas na produksiyon na pagkain.sa menu ng mga paaralan.

“This year, the BLT continues to feed 1,116 wasted and severely wasted students from Lupang Pangako Elementary School with the help from the MEALenium Project, JGF and the Schools Division Office,” dagdag ng alkalde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?