33
federer2
Jun 18, 2018 @ 20:21
By

Federer wagi sa Stuttgart Open

Matapos ang tatlong buwan na pahinga, muling namayagpag si Roger Federer sa tennis court nang masungkit nito ang titulo sa Stuttgart Open ng talunin si Milos Raonic, 6-4, 7-6 (3), noong Linggo sa Germany.

Nabawi na ni Federer ang number one spot sa world rankings mula kay ‘King of Clay’ Rafael Nadal nang makatungtong ito sa finals at maiuwi ang titulo sa naturang torneo.

Ito na ang ika-18 grass-court title ni Federer na sa dalawang sunod na taon ay hindi nagpakita at naglaro sa clay-court season ng serye.

“It’s a wonderful feeling. I fought hard. When you finally manage it, the joy is even greater,” ani Federer.

Sa pagbubukas ng unang set nagtabla sa 1-1 ang score ng dalawa at nakuha ni Federer ang kanyang tiyempo at kumana nang husto noong second set para mapwersa sa double-fault si Raonic.

Kailangan madepensahan ni Federer ang kanyang titulo sa Halle para manatili siya sa number one spot bago pa man magsimula sa Wimbledon sa Hulyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?