15

By

Federer todo-palusot sa pagkatalo kay world ranked 55th Millman

Sharing is caring!

Sa pambihirang pagkakataon, isang ‘di kilalang tennis player mula Australia na si John Millman ang nagpabagsak sa current world no.2 Roger Federer sa US Open, Lunes ng gabi (Martes ng hapon sa Pilipinas).

Nakuha pa ng 37-anyos na si Federer ang unang set, 6-3, ngunit bumulusok na ang kalabang Australyano sa mga sumunod na set.

Tumapos ang laban sa apat na set 6-3, 7-5, 7-6 (9-7), 7-6 (7-3), na ikinagulat ng ibang manonood.

Saad ni Federer na hindi umano niya makuha ang kanyang laro dahil sa hangin sa loob ng Arthur Ashe Stadium sa New York.

“There was no circulation at all. I don’t know, for some reason I just struggled in the conditions tonight. It’s one of the first times it’s happened to me.” saad ni Federer.

“Yeah, it’s uncomfortable. Clearly just keep on sweating more and more and more and more as the match goes on. You lose energy as it goes by.” dagdag pa niya.

Ito ang isa sa pinakanakakagulat na pagkatalo ni Federer sa kanyang karera matapos matalo kay Sergiy Stakhovsky sa Wimbledon noong 2013.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?