74
federer
Jun 17, 2018 @ 12:22

Federer sumampa sa Stuttgart final, balik World No.1

Umakyat sa Stuttgart Cup final si Roger Federer matapos ang 6-7 (2), 6-2, 7-6 (7) nito Sabado kontra Nick Kyrgios.

Kasabay nito ang muling pang-angkin niya sa world number one ranking sa tennis.

Nagbalik sa unahin sa ATP rankings ang 36-anyos na Swiss sa anim nag pagkakataon sa kanyang career. Magsisimula ang kanyang unang puwesto sa ATP sa Lunes, sa record na 310th week.

Sumadsad sa pangalawang puwesto ang karibal niyang si Rafael Nadal ng Spain.

Ang top seed na si Federer ay maglalaro sa kanyang 98th title sa Linggo (Lunes sa Pilipinas) laban kay Milos Raonic, para sa korona ng Stuttgart final.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?