33
roger
May 15, 2018 @ 13:47

Federer pinalitan si Nadal bilang No. 1; Djokovic laglag

Itinanghal na No. 1 si Roger Federer sa pinakabagong rankings ng ATP na inilabas nitong Lunes.

Dahil sa pag-eksit ni Rafael Nadal sa Madrid Masters ay napalitan siya sa trono ni Federer kahit hindi pa naglalaro ang huli mula pa Marso.

Samantala, dumulas naman mula sa ika-anim na puwesto tungo sa ika-18 ang dating world No. 1 na si Novak Djokovic dahil naman sa ikalawang beses niyang pagkakadapa sa Madrid.

Ang may pinakamalaking nalaktawan ay si Madrid semi-finalist Denis Shapovalov, na tumalon ng 14 hakbang tungo sa ika-29 puwesto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?