0
views

By

Federer-Nadal showdown sumablay

Sharing is caring!

KAHIT sa sarili mismo ni Roger Federer, hindi niya inakala na mapapa-exit siya ng maaga sa Wimbledon ngayong taon.

Ang defending at eight-time champion na si Federer, 36, ay nag-impake na matapos sorpresahin ni eighth seed Kevin Anderson 2-6, 6-7 (5-7), 7-5, 6-4, 13-11 sa quarterfinals match na tumagal ng 4 hours, 13 minutes.

Sunod na haharapin sa semifinals ng 6-foot-8 South African si 6-foot-10 American John Isner na 6-7, 7-6, 6-4, 6-3 winner kay Milos Raonic.

Sa mga unang yugto ng torneo ay hindi natalo kahit isang set si top-seeded Federer, hanggang sumablay sa match point sa third set.

Dahil out na ang Swiss star, dismayado ang mga nag-aabang ng Federer-Rafael Nadal sa final sa 10th anniversary sana ng epic title showdown nila noong 2008.

“I felt great in practice, good in the warm-up. I’m feeling the ball well,” ani Federer. “It just happened to be that today wasn’t the day.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?