116
ABANTE roger federer australia open champ
Jan 28, 2018 @ 23:30

Federer kampeon sa Australian Open

Wala pa ring kupas si Roger Federer matapos patumbahin si Marin Cilic sa limang sets at angkinin ang kanyang pang-anim na Australian Open at pang-20 Grand Slam title.

Kinakailangan ng Swiss defending champion na si Federer ng tatlong oras at tatlong minuto para talunin ang six seeded na Croatian na si Cilic, 6-2, 6-7 (5/7), 6-3, 3-6, 6-1.

Si Federer, naglaro ng kanyang 30th Grand Slam final, ay sinamahan sina Novak Djokovic at Australian great Roy Emerson para sa may pinakamaraming titulo ng Australian Open single title.

Naitala ni Federer ang kanyang win-loss record sa Melbourne sa 94-13. Ang kanyang overall Grand Slam naman ay 332-52. AFP

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?