104

Dec 21, 2017 @ 12:18
By

Federalismo sa pamamagitan ng ConCon, aprub kay Atienza

Pabor si Buhay Partylist Representative Lito Atienza na isulong ang Federalismo sa pamamagitan ng Constitutional Convention (ConCon) kung saan ay maghahalal ng mga kinatawan na siyang babalangkas ng batas.

Sa ginanap ng Pulong Balitaan sa Maynila sinabi ni Atienza, na hindi siya sang-ayon sa Constitutional Assembly (ConAss) kung saan ang proseso nito ay silang mga kongresista mismo ang babalangkas ng batas.

Paliwanag ng mambabatas, dapat isang eksperto o espesyalista ang gagawa o babalangkas ng batas upang hindi maabuso ng ibang pulitiko ang naturang pagbabago sa Konstitusyon.

Giit pa ni Atienza, hindi siya tutol sa Federalismo pero dapat pag-aralan nang mabuti kung ano ang posibleng epekto nito sa bansa. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?