36

Jan 4, 2018 @ 14:06
By

Federalism mas mabilis, mas matipid – solons

Suportado ng mga kongresista ang posisyon ni Speaker Pantaleon Alvarez na kailangan ang federalism para mapabilis ang proseso nang paggawa ng mga batas.

Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, tama naman si Alvarez nang sabihing maraming naipasang bills ang Kamara ngayong 17th Congress na nakabinbin lang sa Senado.

Isa na anya rito ang death penalty bill na matagal nang naiakyat sa Senado pero natengga lang doon.

Sinegundahan ito ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone na nagsabing mas madali nang maaksyunan ang mga panukalang batas at iba pang isyu dahil sa regional assembly.

“The national legislative assembly will just focus on national concerns like foreign relations, national security, among others,” ayon kay Evardone.

Kapwa sinabi naman nina Deputy Speaker Raneo Abu at Quezon City Rep. Winston Castelo na sa ilalim ng federalism ay mas mabilis ang implementasyon ng mga programa at proyekto at mapapadali ang pagtupad sa mga pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Para naman kay Negros Occidental Rep. Albee Benitez, mas makakatipid ang gobyerno sa ilalim ng unicameral legislative system kung saan pag-iisahin na ang Senado at Kamara.

“Senate is a duplication of legislative work of the house, causing delay and wasting resources,” ani Benitez. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?