3,969

Federalism magpapatindi sa katiwalian, magpapalobo ng buwis – Recto

Sharing is caring!

Kakampanya umano si Senate President Pro Tempore Ralph Recto laban sa federalism na itinutulak ng administrasyong Duterte.

Ayon sa senador, sa halip na makabuti sa bansa, malamang pa umanong pabagsakin nito ang ekonomiya.

Ayon kay Recto, madadagdagan lang nito ang burukrasya dahil darami ang mga ahensiya na kukuha ng dagdag na mga empleyado sa mga lilikhaing federal region.

Magreresulta umano ito sa mas mahabang transaksiyon sa gobyerno, mas maraming buwis na babayaran at tiyak na mas matinding katiwalian.

Magiging dahilan din umano ito ng pagkakagulo at tensyon.

“I dont’ expect federalism to prosper. I will campaign against it,” ayon kay Recto.

“It may destroy our economy. I am in favor of greater decentralization and local autonomy,” dagdag ng senador.

Kaysa ipabago ang Konstitusyon para sa federalism at para sa pagpapalakas ng mga lokal na pamahalaan, paamyendahan na lang umano dapat ang Local Government Code.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?