29

Jan 5, 2018 @ 14:23
By

Federalism, huwag iligaw – Castelo

Umapela si Quezon City Rep. Winston Castelo sa mga kritiko ng federalismo na maging bukas sa proseso at layunin nito.

Ginawa ni Castelo ang panawagan dahil sa aniya’y pagligaw ng ilan sa isyu at pananakot sa publiko sa pamamagitan nang pag-highlight sa term limits at no-election scenario.

Binigyang-diin ng kongresista na ang sinasabing term extension kay Pangulong Rodrigo Duterte at postponement ng 2019 elections ay mga posibilidad lamang sa transition period na puwedeng mangyari at puwede ring hindi.

“These are but options that Congress may consider for a smooth transition but they are not a prerequisite since the shift can still be accomplished during the last three years of the Duterte administration without need of term extension or the postponement of the midterm elections,” ani Castelo.

Ipinaliwanag din ng mambabatas na ang transitory provisions ay dedepende sa magiging proseso ng pag-amyenda sa Konstitusyon.

Sinabi rin ng mambabatas na nakasalalay sa federalism ang pangakong pagbabago ni Pangulong Duterte kaya dapat itong suportahan. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?