82
TNT-ABANTE-TONITE-cinematheque
Sep 25, 2018 @ 14:44
By

FDCP inilunsad ang Cinematheque sa Compostella Valley

Taong 2016 nang i-appoint bilang chairperson at CEO si Ms. Liza Dino ng Film Developmeny Council of the Philippines (FDCP) kung saan sinaksihan ito ng Nabunturan Independent Film Exhibition (NABIFILMEX) at na-met ang mga community filmmaker.

Nagplano ang grupo ng magtatayo ng kauna-unahang Cinematheque sa Compostela Valley.

Pagkatapos ng dalawang taon, ngayong Setyembre, opisyal nang binuksan ng FDCP ang pintuan para sa Cinematheque Centre Nabunturan just in time para sa 2018 edition ng NABIFILMEX.

Jampacked ang screenings na halos estudyante mula sa Compostela Valley ang nanood.

Very supportive sila hanggang sa awarding night na pinangungunahan nina Ms. Jeovy G. Mandin, Mr. Romeo B. Clarin Jr., Ms. Marietis T. Balatico at Vice Mayor Rodel G. Balili ng Municipality of Nabunturan.

November 2017 nang mag-ground beaking ang Cinematheque na may 100-seater alternative cinema hub.

Excited ang audience sa first ever film screening na binigyang-dangal nina NCCA Commissioner for the Arts/Head Mr. Teddy Co, Mr. Paolo Paraiso, Ms. Max Eigenmann, Mr. Ed Cabagnot, Direk Arbi Barbarona, NABIFILMEX Festival Director Atty. Karen Santiago-Malaki, Asst. Festival Director Mindanao Film Festival Ivan Tadena, FDCP Executive Director Wilfredo Manalang, Distribution and Exhibition Lead Officer Popoy Guillermo at Cinematheque Centre Officer Jamir Mallari.

“This is one of the dreams that finally materialized for the town of Compostela Valley. We are bringing the films to the people, for creative development, for awareness and even just to share stories and we are hoping to inspire more future Nabunturan filmmakers through the many programs of FDCP and the Cinematheque Nabunturan,” sambit ni FDCP chairperson Liza Diño.

Matatagpuan ang Cinematheque Centre Nabunturan sa Layug Avenue, Purok 13 beside SPED, Central Elementary School.

Ang full operation ay ngayong October 2018. Para sa iba pang detalye, i-check lang sa Cinematheque Centre Nabunturan’s official Facebook page.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?