119
cinemarya
Mar 27, 2018 @ 20:29
By

FDCP, DILG at PCW inilunsad ang CineMarya Filmfest

Nagsanib-puwersa ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine Commission on Women (PCW) para sa CineMarya, isang festival ng short films tungkol sa mga kababaihan.

“The festival aims to tell stories of Filipino women, more than their beauty, but their strength and passion, rising above the prejudice and struggles in society,” pahayag ni FDCP Chairperson and CEO Liza Diño sa paglunsad ng nasabing festival.

Naroon din sa launching ng CineMarya sina DILG Asec. Marjorie Jalosjos at Chief of Corporate Affairs and Information Resource Management Division of the Philippine Commission on Women Ms. Honey M. Castro.

Sa unang taon nito, magbibigay ang CineMarya ng seed money na one hundred thousand pesos (P100,000.00) sa mapipiling participants edad 18 hanggang 30 para makapag-produce ng 10 to 20-minute short films tungkol sa women empowerment, at iba’t ibang roles ng mga kababaihan sa lipunan at awareness tungkol sa social issues on women at equality. Ang festival na ito ay bukas para sa mga filmmaker na hindi pa nakakagawa ng isang buong pelikula o dokumentaryo.

Maaari nang magpasa ng kanilang mga entries sa FDCP mula April 1, 2018 hanggang June 30, 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?