11

May 27, 2021 @ 9:26
By

FDA: Pfizer bakuna puwede na sa edad 12-15

Maaari ng gamitin sa mga batang Pinoy na edad 12-15 ang COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer.

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkules ng gabi, sinabi ni Food and Drug Administration Director General Dr. Eric  Domingo na inaprubahan na ng mga Pilipinong eksperto ang paggamit ng Pfizer vaccine sa mga batang edad 12-15 matapos itong masusing pag-aralan.

Aprubado na aniya sa Amerika ang paggamit ng Pfizer vaccine sa kanilang mga kabataan at noong nakalipas na linggo ay nag-apply na ng amendment sa FDA ang nabanggit na kumpanya.

“Iyong ating mga experts in-evaluate, I already got the recommendations of our experts and it’s very favorable. So within the week po we will be issuing an amendment to the emergency use authorization of Pfizer to use it in children 12-15 years old,” ani Domingo.

Ipapaubaya na aniya kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez kung paano ipapatupad ang pagbakuna ng Pfizer sa mga bata dahil mayroong list of priority na sinusunod sa national vaccination program ng gobyerno.

“So ‘pag dumating na yung maraming inorder ni Secretary Galvez na Pfizer, maari na po itong gamitin sa mga batang 12-15 year old,” dagdag ni Domingo.

Sa ngayon ay limitado pa ang supply ng Pfizer sa bansa subalit inaasahang darating ang bulto ng doses sa mga susunod na buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?