8

May 4, 2021 @ 10:23
By

FDA: Pfizer bakuna posibleng iturok sa edad 12-15

Posibleng mag-apply ang Pfizer na gamitin ang kanilang bakuna para sa edad 12 hanggang 15, ayon sa Food and Drug Administration (FDA).

Inaasahan ang US pharmaceutical company ng expansion para sa kanilang emergency use authorization (EUA) sa Pilipinas para maturok ang kanilang bakuna sa mga Pinoy na teenager.

“We are expecting na magpapa-approve na rin sila for 12 to 15 dito sa atin, kaya lang hindi pa kasi dumarating ‘yung pinakaunang order natin ng Pfizer,” ayon kay Domingo.

Sa ngayon, ang EUA ng Pfizer sa Pilipinas ay para lamang sa mga edad 16 pataas.

Ngunit ayon sa FDA ng Estados Unidos, nakita sa kanilang clinical trial na ligtas ang bakuna sa mga edad 12 hanggang 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?