170

Jan 11, 2021 @ 20:22
By

FDA nagbabala vs pabango ni Toni Gonzaga

Pinag-iingat ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili sa cologne spray na binebenta online ng kompanya ni Toni Gonzaga at ng vlogger na si Winnie Wong.

Ayon sa FDA, walang valid na Certificate of Product Notification ang POUF! Everyday Cologne Spray na paglabag sa FDA Act of 2009.

Dahil dito, maaari itong magdulot ng mga potensyal na panganib.

“Potential hazards may come from ingredients that are not allowed to be part of a cosmetic product or from the contamination of heavy metals,” pahayag ng FDA sa inilabas na Advisory No. 2020-2188.

“The use of substandard and possibly adulterated cosmetic products may result adverse reactions including, but not limited to, skin irritation, itchiness, anaphylactic shock, and organ failure,” dagdag nito.

Ang POUF! ay product line ng TGWW Everyday Lifestyle Studio, kompanya na hinango ang pangalan mula sa mga initial ng mga may-ari nitong sina Gonzaga at Wong at nakabase sa Makati City.

Sabi ng FDA, nakarehistro ito bilang kompanya na nagbebenta ng mga bag, notebook at toiletries.

Kabilang ang kompanya at produkto sa inireklamo ng consumer group na Action for Consumerism and Transparency in Nation dahil wala umanong lisensya mula sa FDA ang mga ibinebenta nitong cosmetic product.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?