46

Oct 8, 2017 @ 16:43

FDA nagbabala sa mga nakakalasong laruan

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa mga laruan at gamit na pangsanggol na hindi dumaan sa authorization ahensya.

Sa anim na pahinang advisory na pirmado ni FDA Director General Nela Charade Puno, 16 na mga toy and childcare article (TCCA) ang sakop ng babala ng ahensya, at kabilang na rito ang sumusunod:

1. Jinding Toys Kitchen Play Set

2. Qingyu Toys Kitchen Play Set

3. Cooking Super Deluxe Kitchen Set

4. New Styles Kitchecn Play Set

5. Classic World Dishes Set

6. Tanks World War King Tanks Ace King of the War Electric Flash T90 Tanks Vanguard

7. Spence Western Ranger

8. Spence Flashing Car with Music

9. Spence Motor Power

10. Shopkins Shoppies

11. Happy Sealions

12. Swing Hobbyhorse Cartoon Electric Series

13. Jing Jing Kinetic Sand

14. Kindercare feeding bottle

15. Kindercare Silicon Finger Brush

16. Kindercare 2 pcs. 100% Liquis Silicone Nipples

Inilabas ng FDA ang babala matapos ang isinagawa nitong post-marketing surveillance activities kung saan nadiskubre na ang mga nasabing produkto ay hindi dumaan sa verification process ng ahensya at hindi rin naisyuhan ng authorization.

Dahil dito, hindi aniya magagarantiyahan ng ahensya na ligtas at de kalidad ang nasabing mga produkto.

“The use of such violative products may pose potential health hazards to the consuming public. Potential hazards may come from materials that are not allowed to be part of a TCCA product or being exposed to chemicals that can leach out from the product such as pthalates and nitrosamines. Based on some international studies, these chemicals may cause allergy and cancer,” bahagi ng advisory ng FDA.

Dahil dito, inaabisuhan din ng ahensya ang publiko na huwah bilhin ang mga nabanggit na produkto.(Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?