dog-shampoo

FDA, nagbabala laban sa ilang dog shampoo

Sharing is caring!

Binalaan ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga dog lover sa pagbili at paggamit ng hindi rehistradong dog shampoo.

Hindi umano rehistrado sa FDA ang Nature’s Best Flea & Tick Shampoo 473 mL na gawa ng Blue Cross Laboratories sa Sta. Clarita California, USA.

Sa isinagawang post-marketing surveillance ng FDA, napatunayang hindi dumaan sa proseso ng rehistrasyon at hindi nabigyan ng kaukulang awtorisasyon tulad ng Certificate of Product Registration ang nabanggit na shampoo.

Dahil hindi dumaan sa kanila ang naturang shampoo, hindi nito masisiguro ang kaligtasan nito sa mga alagang hayop.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?