24

By

FDA nagbabala kontra ‘di rehistradong cereals

Pinag-iingat ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko sa pagbili at pagkonsumo ng ilang cereal products na hindi rehistrado.

Ayon sa FDA, hindi dumaan sa registration process ng ahensiya at hindi umano nabigyan ng awtorisasyon ang mga sumusunod:

1. GENERAL MILLS COCOA PUFFS Naturally Flavored Frosted Corn Puffs

2. GENERAL MILLS GOLDEN GRAHAMS Cereal

3. GENERAL MILLS CHEERIOS Chocolate Flavored Whole Grain Oat Cereal

At dahil hindi umano dumaan sa pagsusuri ang mga nabanggit na produkto, hindi masisiguro ang kalidad at kaligtasan sa pagkain nito.

Maaari umano itong makaapekto sa kalusugan ng isang tao.

Samantala, pinayuhan ng FDA ang publiko na maging mapanuri sa bibilhing food product at siguruhing rehistrado ito bago bilhin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?