143

By

FDA iniimbestigahan na ang ‘killer lambanog’

Sharing is caring!

Sinisiyasat na ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagkamatay ng apat na tricycle drivers na uminom ng lambanog sa Novaliches, Quezon City.

Inaalam na ng FDA kung rehistrado sa kanila ang lambanog at kung ito ay may lason.

Ayon kay Health Usec. Rolando Domingo, inaalam na rin ng FDA kung may mga kaukulang permit ang nagbenta ng alak na gawa mula sa sabaw ng buko, na napagbilihan ng mga tricycle driver.

Dagdag pa nito, sinusubukan na rin ng FDA na makakuha ng sample ng lambanog.

Magugunita na namatay sina Delfin Bangayon, Dennis Cuadra, Alvin Reyes at Crispulo Mateo matapos lumaklak ng lambanog sa isang inuman ng grupo ng mga tricycle driver.

May 13 pa sa kanilang kasama ang naospital. Lahat ay nakaranas ng matinding pananakit ng tiyan.

Nag-iimbestiga na rin ang pulisya sa insidente para malaman kung may foul play sa insidente.

Bunga ng insidente, nagpaalala si Domingo sa publiko na bumili lang ng mga produkto na rehistrado sa FDA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }