40

May 7, 2021 @ 21:08
By

FDA inaprub Ivermectin para sa tao

Inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng Ivermectin para sa mga tao bilang “anti-nematode”.

Ani FDA Director-General Rolando Enrique Domingo, nag-apply ang local pharmaceutical company na Lloyd Laboratories Inc. para sa certificate of product registration (CPR) ng Ivermectin at inaprubahan ito.

“Lloyd Laboratories applied for a CPR for locally manufactured Ivermectin as an anti-nematode drug and it was granted after they submitted data to support quality and stability of the product,” lahad ni Domingo.

Ang nematode ay isang parasitic roundworm.

Dahil dito maaari nang gumawa at magbenta ng Ivermectin ang Lloyd Laboratories Inc.

Bago nito, rehistrado lamang ang Ivermectin sa bansa bilang veterinary products para sa prevention ng heartworm disease at treatment ng internal at external parasite sa ilang hayop.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang Ivermectin matapos ilang mambabatas ang magsabing nakakatulong ito para maiwasan at gamutin ang coronavirus disease. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?