29

Jul 17, 2021 @ 13:27
By

FDA: Huwag kumain ng BongBong’s Piaya

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa pagbili at pagkain ng BongBong’s special piaya at iba pang produkto na hindi nakarehistro sa kanila.

Sa Advisory No. 2021-1589 na naka-post sa FDA Facebook page, bukod sa BongBong’s special piaya, hindi rin nakarehistro sa ahensiya ang BongBong’s Polvoron Small, Sloan’s Food Products Barquillos Short, Mayo Bay Tablea at Ruffa’s Banana Chips.

“The FDA verified through online monitoring or post-marketing surveillance that the above-mentioned food products are not registered and no corresponding Certificates of Product Registration have been issued,” mababasa sa FDA advisory.

Ayon sa FDA, dahil hindi nakarehistro ang nabanggit na mga food product at hindi dumaan sa evaluation process, hindi masisiguro ng ahensya ang kalidad at kaligtasan ng mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?