47

By

FDA: Huwag bumili sa ‘online botika’

Sharing is caring!

Nagbabala ang Food and Drugs Administration (FDA) sa publiko sa pagbili ng mga gamot sa mga ‘online drug store’.

Ayon sa FDA, may mga pekeng online shops at websites na nag-aalok ng sari-saring gamot.

Ang babalang ito ng FDA ay kasabay ng nalalapit nang paggunita sa 2017 National Consciousness Week Against Counterfeit Medicine mula Nobyembre 20 hanggang 24.

Paliwanag ng FDA, ang mga pekeng gamot ay maaaring makasama sa kalusugan ng mga taong iinom nito kaya’t makabubuti kung maging mabusisi sa pagbili ng anumang uri ng medisina.

Payo pa ng ahensiya, mas makabubuting bumili lamang ng gamot sa mga kilalang botika na rehistrado sa kanilang tanggapan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?