1,185
FDA chief Nela Charade Puno, sinibak ni Duterte
By

FDA chief Nela Charade Puno, sinibak ni Duterte

Tinanggal sa posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Food and Drug Administration (FDA) Director General Nela Charade Puno dahil sa umano’y korapsyon.

Ang termination letter  na  may  petsang  May 15, 2019  ay  binasa  ni Presidential Spokesman Salvador Panelo  at  magiging  epektibo agad  ito sa  sandaling  matanggap ng opisyal ang utos ng Pangulo.

Sinabi ni Panelo na ang  hakbang  ng Pangulo ay  may  kaugnayan sa kampanya  nito na  linisin ang  korapsyon sa gobyerno para  mapanatili ang  tiwala  ng  publiko sa  mga  opisyal at  tauhan.

Inatasan ng  Malacañang  si Puno na  i-turnover  ang  lahat  ng  mga  hawak na dokumento at mga kagamitan sa Department of  Health.

Ang  termination paper  ay  may lagda  ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Tumanggi  namang  magbigay  ng  detalye  si Panelo sa   dahilan ng  pagsibak kay Puno, pero  intindihin aniya  ang  tinutumbok  ng  termination paper.

“Please be  advised  that  upon instructions  of the  President, your  appointment  as Director-General  of the  Food and  Drugs Authority, Department  of  Health, is  hereby terminated  effective  immediately. This  is  in line  with the  President’s continuing mandate  to eradicate graft and  corruption, and  to ensure  that public  officials and  employees  conduct themselves in a manner  worthy of public  trust,” ang  nakasaad sa  termination paper  na  binasa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?