114

Jan 16, 2021 @ 14:07
By

FDA binalaan publiko hinggil 5 brand ng face mask

Binalaan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko sa pagbili at paggamit ng limang mga brand ng face mask.

Tinukoy ng FDA ang mga brand na:

* Cherub Daily Protective Mask
* Just Mask Anti Viral Face Mask
* Health Master Disposable Protective Mask
* Aidelai Disposable Face Mask
* Disposable Medical Mask

Anila, hindi ito sumailalim sa evaluation process ng ahensya.

Wala din umano itong mga Product Notification Certificate.

“Pursuant to the Republic Act No. 9711, otherwise known as the ‘Food and Drug Administration Act of 2009,’ the manufacture, importation, exportation, sale, offering for sale, distribution, transfer, non-consumer use, promotion, advertising or sponsorship of health products without the proper authorization is prohibited,” anila.

Binalaan din ng FDA ang mga establisyamento na huwag magbenta ng mga face mask mula sa mga nabanggit na brand hangga’t hindi pa ito nabibigyan ng Product Notification Certificate.

Bibigyan naman ng karampatang parusa ang mahuhuling lumabag dito.

“All concerned establishments are warned not to distribute, advertise, or sell the said violative medical device products until the Product Notification Certificates are issued, otherwise, regulatory actions and sanctions shall be strictly pursued,” pahayag nila.

Una nang inabisuhan ng FDA ang publiko na laging suriin ang produktong pinamimili at alamin kung binigyan ba ito ng sertipiko mula sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?