601

Feb 15, 2018 @ 15:00
By

‘Fat’ political dynasty naglulubog sa bansa sa kahirapan – Ateneo dean

Dahil sa political dynasty kaya tumitindi ang kahirapan at humihina ang demokrasya.

Sinabi ito ni Dr. Ronald Mendoza, Dean ng Ateneo School of Government, sa pagdinig ng Senado ukol sa mga panukalang para ipagbawal ang political dynasty.

Ayon dito, kakambal ng pagkakaroon ng political dynasty ang kahirapan dahil ang pamilya lamang ng mga pulitiko ang kumukontrol sa yaman at sila-sila rin ang yumayaman, walang check and balance at hndi sila napananagot.

Nangyayari umano ito kapag may fat political dynasty kung saan sabay=sabay ang pag-upo ng magkakamag-anak. Halimbawa, gobernador ang ama, mga anak ang board member, konggresista, mayor at vice-mayor.

Sa pag-aaral ni Mendoza kasama ang iba pang eksperto, lumitaw na pinakamahihirap ang mga lalawigan na ay fat political dynasty habang mayayaman ang mga pulitiko roon.

“More fat dynasties cause greater poverty, notably outside of Metro Manila,” ayon kay Mendoza.

Inihalimbawa niya ang Dinagat Island kung saan naghahari ang mga Ecleo na mala-kastilo ang bahay pero mahihirap ang mga residente.

Tinukoy naman niya na 15 pinakamahihirap na lalawigan na may fat dynasties ang Lanao del Sur, Maguindanao, Northern Samar, Saranggani, Sulu, Bukidnon, Siquijor, Zamboanga del Norte, Sultan Kudarat, Agusan del Sur, Western Samar, Eastern Samar, Masbate, Negros Oriental at Lanao del Norte.

Bukod sa mahihirap ang mga lalawigan, mayroon din aniyang patayan gaya sa Masbate kung saan apat na konggresista na ang pinatay mula noong 1989 hanggang 2005. Isa sa dalawang Pilipino sa lalawigang ito ay itinuturing na napakahihirap ang buhay.

Dahil dito, sinabi ni Mendoza na panahon nang ipagbawal ang political dynasty.

Maari naman aniyang pahintulutan ang thin political dynasty kung saan nagpapalitan at magkakasunod lang, sa halip na sabay-sabay, ang magkakaanak sa paghawak sa elective positions.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?