151

Oct 29, 2017 @ 13:43

Fast food chain hinoldap ng 2 lalaki, P450k cash natangay

Nilooban ng dalawang armadong lalaki ang isang fast food chain sa kahabaan ng Congressional Avenue sa Quezon City noong Sabado ng gabi kung saan natangay ng mga ito ang mahigit P450,000 cash.

Ayon sa report sa Super Radyo dzBB, naghahanda na sila para sa pagsara ng tindahan bago maghatinggabi nang pumasok ang dalawang lalaki na armado ng baril.

Isa sa mga suspek ay nakasuot ng bonnet habang ang isa naman ay nakasuot ng sumbrero.

Sabi ng mga crew ng fast food chain, tinutukan sila ng baril ng mga suspek at inutusang dumapa sa sahig kasama ang security guard.

Isa sa mga suspek ang nagtungo sa cash vault kung saan kinuha nito ang halagang P450,000 na kita ng store sa buong araw.

Matapos limasin ang pera agad tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo. Tumagal lamang ng limang minuto ang pangho-holdap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?