12

Oct 21, 2020 @ 22:00
By

‘Fast and Furious’ tatapusin na

Wawakasan na umano ang “Fast and Furious” movie franchise sa 11th installment nito.

Ayon sa ulat ng Variety, si Justin Lin pa rin ang magdidirek sa dalawang huling movie ng “Fast and Furious”.

Si Lin ang nagdirek sa part 3, 4, 5, 6 at 9 ng movie na unang pinagbidahan ni Vin Diesel noong 2001 kasama si Paul Walker.

Dapat daw ay magpe-premiere ang latest film na “F9” ngayong taon pero nausog ito sa 2021 dahil sa COVID-19 pandemic.

February nang ipasilip ni Lin ang official trailer ng pelikula.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?