70

Mar 17, 2020 @ 22:21
By

‘Fast and Furious’ star positibo sa COVID-19

Kasama na sa listahan ng mga Hollywood actor na positibo sa COVID-19 ang “Fast and Furious” star na si Idris Elba.

“This morning I tested positive for Covid 19. I feel ok, I have no symptoms so far but have been isolated since I found out about my possible exposure to the virus,” sabi ni Elba sa ibinahagi niyang video sa Twitter.


Makikita sa video na kasama din ang kanyang asawa na si Sabrina Dhowre.

Paliwanag niya sa video na kinailangan niya mag-pa test dahil na-expose siya sa taong positibo sa COVID-19 ng Biyernes kaya naisipan niya na ding mag-self quarantine at magpa-test.

Wala siyang sintomas ng sakit ngunit positive ang resulta na nakuha niya nitong Lunes.

“Look, this is serious. Now’s the time to really think about social distancing, washing your hands,” sabi ng Hollywood star. “Beyond that, there are people out there who aren’t showing symptoms and that can easily spread it, so now’s a real time to be really vigilant.”

Kasabay na positibo sa virus ni Elba ay ang mga Hollywood star na sina Tom Hanks at Rita Wilson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?