6

Sep 27, 2020 @ 21:20
By

FarmVille babu na sa Facebook

Makalipas ang 11 taon, namaalam na sa Facebook ang dating kinabaliwan ng mga millennial at kids at heart na ‘FarmVille’.

Sa pahayag ng Zynga, developer ng nasabing laro, sinabi na maaapektuhan ang ‘FarmVille’ sa paghinto ng Facebook ng support sa mga Flash games simula katapusan ng December 2020.

“We’re aware that many of you have been with us since the very beginning, helping to build an incredible global community of players over the years who’ve enjoyed this game just as much as we have. For that we say thank you,” saad ng Zynga.

Kasabay ng pag-usbong ng Facebook sa ‘Pinas ay ang pagsikat din ng FarmVille, kung saan magiging virtual farmer ang manlalaro na pwedeng magtanim, mag-ani at magpalago ng kanyang sakahan.

“We hope that the in-game experiences we’ve developed over the years have provided you with the highest level of entertainment that we strive to fulfill here at Zynga. We look forward to you joining us in Farmville 2: Tropic Escape and the upcoming worldwide launch of FarmVille 3 on mobile,” ayon pa sa developer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?