9

By

Farmers’ Week sa Cebu, umpisa na

Sharing is caring!

Pinasinayan na ngayong araw hanggang sa Lunes (Nov. 14-19) ang pagdiriwang ng taunang Farmer’s Week na makikita sa Plaza Sugbo, harap ng Cebu City Hall.

Suportado ng Cebu City government sa pakikipagtulungan sa city agriculture office ang taunang selebrasyon para sa mga magsasaka na kung saan ay maibebenta sa murang halaga ang mga inaning sariwang gulay, prutas at bulaklak.

Ayon kay City Councilor Alvin Arcilla, na tumatayong deputy mayor for agriculture, marami silang inihandang aktibidad para sa selebrasyon na matutunghayan simula ngayon hanggang sa Lunes, Nobyembre 19.

Highlight sa selebrasyon ang Flower Festival na may inihandang caravan na puno ng mga iba’t ibang klase ng bulaklak na hindi naubos sa nagdaang pagdiriwang ng All Saints’ at All Souls’ Days noong Nov. 1 at 2, ay magagamit rin bilang dekorasyon sa kanilang mga float.

Samu’t saring sariwang gulay ang ibebenta sa murang halaga ang makikita sa farmers’ market, kaya naman inaasahang ang lahat ng Cebuano na makiisa sa naturang selebrasyon, ayon pa kay Arcilla.

Nabatid na si Mayor Tomas Osmeña ay nasa Yokohama, Japan para sa official business kaya siya ang inatasan na pangunahan ang naturang selebrasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?