100

By

Farmers Plaza binash sa paghuhugas-kamay

Binash ng netizens ang pahayag ng Farmers Plaza tungkol sa naganap na pagposas at pagkaladkad kay Gretchen Custodio Diez, isang transgender woman, matapos itong pumasok sa pambabaeng banyo ng nasabing gusali.

Ayon sa pahayag ng Araneta Center na may-ari ng Farmers Plaza, humihingi sila ng paumanhin kay Diez at sa buong LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) community sa naging pagtrato ng cleaning crew na si Chayra Ganal sa biktima.

“It is an unfortunate incident that Farmers Plaza management would like to assure the public we could never condone,” giit ng kompanya.

Dagdag pa, hindi raw sila ang pasimuno sa pagposas at paghain ng kasong “unjust vexation” kay Diez; desisyon lang umano ni Ganal ang huli.

“None of these actions had been relayed beforehand to the management, nor did we have knowledge of the same as it was happening, for us to do something about the matter,” ayon sa Araneta Center.

Umani ng pangba-bash ang kompanya sa kanilang pahayag.

“Hoy Farmers Plaza, huwag kayong maghugas kamay. Hindi isyu kung direct employee nyo o hindi. Ang isyu ay nilabag nyo ordinansa ng QC,” tugon ni @natoreyes.

“Ngayon hugas kamay kayo eh gayong dinala naman ang biktima sa office/room nyo para kausapin. Dont tell us na puro agency lang at walang organic employee or oic sa inyo na na inform,” duda ni @tabacho74328622.

“Hugas kamay Farmers Plaza… Tsk… Oligarchy moves. #lgbtHumanity,” sabi naman ni @acadaza.

Nauna nang kinondena ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang ginawang pamamahiya kay Diez sa kabila ng ordinansa sa lungsod na nagbibigay-proteksyon sa karapatan ng LGBT+ community.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?