88

Jan 6, 2018 @ 18:48
By

Farewell concert ng Big Bang bumaha ng luha

Naging emosyunal ang matagumpay na concert ng Big Bang dahil nagsilbing year end concert nila ang huling concert nila bilang isang grupo na ginanap sa Gocheok, Sky Dome, Seoul, South Korea.

Ang Last Dance Tour concert ang naging finale concert ng nasabing tour na nagsimula noong Nov. 18, 2017 sa Fukuoka, Japan. Walang duda rin na nag-last tour sila na matagumpay dahil halos napuno nila ang may 16k capacity na Sky Dome.

Given na wala si T.O.P dahil nasa military ito ngayon pagkatapos ng kasong kinasangkutan kaya apat lang sa Big Bang ang nag-perform. Sina G-Dragon, Daesung, Taeyang at Seungri.

Magpapahinga muna ang Big Bang bilang grupo dahil papasok sa military sina Taeyang at G-Dragon ngayong 2018. Inanunsyo na ito ng kanilang talent agency na YG Entertainment last December. Inanunsyo na rin ni Taeyang na magpapakasal na ito sa Korean actress na si Min Hyo-rin ngayong February.

Isa-isang nagsalita ang apat na miyembro ng Big Bang ng kanilang mensahe at pawang mga naging emosyunal. Nagpasalamat sila sa mga naging karanasan at sa pagmamahal na natanggap nila mula pa noong 2006.

Ang Big Bang ang itinuturing na kauna-unahang Korean mainstream hip-hop idols at isa sa mga influential sa pagpapalaganap ng K-pop at maituturing na icons na pagdating sa K-pop music at boy band.

Ang kasikatan ng Big Bang ay hindi lamang sa Korea kung hindi sa buong mundo. Naniniwala at nangako ang apat sa kanilang mensahe sa mga fans na pansamantala lang ang pamamaalam ng grupo at muli silang magbabalik na lima na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?