53
stephen-curry3
Apr 27, 2018 @ 18:52
By

Fans tinatakam ni Curry

“Questionable” ang nilagay ni Golden State coach Steve Kerr sa status ng star niyang si Stephen Curry sa Game 1 ng second-round playoff series ng Warriors kontra New Orleans Pelicans sa Sabado.

Ibig sabihin, may posibilidad na maglaro ang two-time MVP na limang linggo nang tengga matapos abutin ng grade 2 MCL sprain sa kaliwang tuhod noon pang March 23.

Nasa full practice mode si Curry nitong Huwebes, bukod sa tumatakbo, kuma-cut at tumitira ay may full-contact na.

“He looked great,” ani Kerr.

Walang five-on-five scrimmage ang Warriors, pero may “a little bit of up and down” sila sa court, ayon pa kay Kerr.

“We can’t wait for him to get back, whenever that is,” pahayag ni Klay Thompson.

Binigyan ng go-signal si Curry na sumalang sa modified team practice noong April 22. Muli siyang ire-re-evaluate ng Biyernes.

Apat na right ankle injuries na ang inabot ni Curry sa nakalipas na apat na buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?