38

Aug 20, 2018 @ 14:47
By

Fans sugatan sa concert ng Backstreet Boys

Nagtamo ng mga sugat at pasa ang nasa 14 katao matapos mabagsakan ng nag-collapse na entrada ng The Colosseum, na pagdadausan sana ng concert ng Backstreet Boys sa Thackerville, Oklahoma nitong Sabado.

Ayon sa tagapagsalita ng WinStar World Casino and Resort na si Kym Koch-Thompson, ginamot sa mismong lugar ang concertgoers at saka dinala sa ospital sa Oklahoma at Texas matapos mabagsakan ng entrance trusses nang umihip ang malakas na hangin dahil sa bagyo.

May lakas umanong hangin ang bagyo na 128 kph na tumama sa dakong alas-5:30 ng hapon.

Itinumba nito ang entrance trusses na tumama sa may 150 concertgoers.

Ani Koch-Thompson, sinuspinde muna sa kasalukuyan ang concert. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?