4
bts1

Fans naguluhan sa nangyari kay Jungkook sa ‘Fake Love’

Sharing is caring!

Naglabas na ng official teaser para sa kantang “Fake Love” ang BTS.

Pero naguluhan sila kung ano ang nangyari kay Jungkook sa video.

Ang setting kasi nito ay sa isang magic shop kung saan pinapalitan ang takot ng positibong ugali.

Lumapit isa-isa ang mga lalaki sa magic shop para ipalit ang hawak nilang item at makatanggap ng kapalit pero hindi ito ginawa ni Jungkook.

Dumating siya sa lugar at siya pa ang binigyan ng gintong susi na walang kapalit.

Ano raw ang ibig sabihin nito?

Ginamit ni Jungkook ang susi sa isang kuwarto na may six coat stands, at nakaharap niya ang isang nilalang, na siyang kinukuwestiyon ngayon ng fans.

Ito umano ang dapat abangan ng fans.

Ang “Fake Love” rin ang ipe-perform ng BTS sa Ellen Show sa May 25.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?