24

May 3, 2021 @ 12:51

Fanny Serrano nakauwi na matapos mag-agaw buhay

Sobrang tuwa ang naramdaman ni Sharon Cuneta matapos na malampasan ni Fanny Serrano ang matinding pagsubok sa kanyang buhay.

Nitong Linggo ay inanunsyo ni Shawie na nakauwi na ang kanyang malapit na kaibigan at sa bahay na nagpapagaling.

“I am happy to tell you that TF is now home, recuperating and on his way to a happy 100 more years!” ayon kay Sharon.

“God still performs miracles in the present day. Praise Him!” aniya pa.

Noong Marso ay binahagi ni ‘Megastar’ na inilagay sa life support ang sikat na make-up artist dahil sa stroke.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?