32

Nov 22, 2021 @ 23:04

Fan sobrang lasing, sumuka sa NBA court

Na-televise pa ang pagiging sabog ng isang fan matapos siyang magkalat ng suka sa laban ng Utah Jazz at Sacramento Kings.

Sa simula ng fourth quarter, makikita ang fan na sinukahan ang sahig ng Golden 1 Center sa Sacramento.

Kaya naman pansamantalang hininto ang laban para linisin ang suka.

Napalayo din ang mga player ng Utah dahil malapit sa kanila ang sumusukang fan.

Ayon kay Jazz star Donovan Mitchell, “I can’t even lie, I was just focused on getting out of the way.”

Nagbitbit naman ng Bud Light na alak si Jordan Clarkson sa postgame, na patama sa nagkalat na fan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?