41

Aug 6, 2021 @ 11:14
By

Fan page lang! Kyla itinanggi comment sa transwoman athlete ng New Zealand

Itinaggi ng singer na si Kyla ang umano’y “transphobic” na komento niya patungkol sa pagsali ng isang transwoman athlete sa Weightlifting ng Tokyo Olympics 2020.

Umukit ng kasaysayan si Laurel Hubbard, 43, matapos niya maging kauna-unahang transgender na atleta na sumali sa naturang patimpalak.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nasa mid 30s pa lamang ay nasa transition stage na si Hubbard at sumasali na sa mga pambabaeng contest simula 2017.

Kaugnay nito, naghimutok naman sa galit ang ilang mga netizen at sinabing hindi patas ang pagkakaroon ng transgender sa isang women’s sports competetion dahil malamang sa malamang ay mas malakas ito kesa sa mga babae.

Sa isang news article patungkol dito, nag-comment si Kyla ng “That’s unethical” na kanya na mang itinanggi.

Dahil dito, inulan ng batikos si Kyla at tinawag na “transphobic.”

“Sorry @kylaessentials but unstanning. Hindi ko kayang i-support ang transphobia sa kahit na anong platform.”

Anang singer, hindi siya ang nagkomento nito dahil fan page lang iyon at hindi niya ito opisyal na Facebook account.

“You’re barking at the wrong person. That’s a fanpage you’re looking at with lots of admins. For sure, that was not me,” depensa ng aktres.

“But you’re free to unstan if you like. We’re in a free country. You can do whatever you like,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?