19

By

Fan ng Letran halos maputulan ng litid

Halos lumabas ang litid sa leeg ng isang fan sa pagsigaw ng “Go Letran!” sa first set ng 95th NCAA women’s volleyball competition na ginanap sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Lupaypay ang Letran Knights sa unang set, pero tinuhog nila ang tatlong sunod na frame upang ikahon ang 22-25, 25-10, 25-18, 25-13 panalo kontra Emilio Aguinaldo.

Pagkatapos ng unang set, halos mamaos ang fan na nakasuot ng asul na damit, walang tigil itong nagsisigaw ng “Go Letran!” at halos magwala ito sa kinauupuan nang manalo ang Intramuros-based squad sa second frame.

Sinandalan ng Knights si Chamberlaine Cunada upang makabangon sa pagkakadapa sa unang set at makuha ang matamis na panalo.

Pumalo si Cunada ng 24 points, 19 ay galing sa attacks kasama ang tatlong service aces at dalawang blocks para ilista ang 1-0 karta para sa Letran.

“First set siyempre alam mo naman na first year at second year ‘tong mga batang ‘to except ‘yung aking setter, siyempre medyo tensed na nakakita sila ng crowd,” saad ni Letran coach Mike Inoferio.

Malaking tulong din ang inambag ng mga rookies ng Letran na sina rookies Dane Ohya at Julienne Castro, nagsanib puwersa sa pangalawang set at makuha ang magaan na panalo, 25-10.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?